Nagtagpo Nobyembre 15, 2023, local time, sa Filoli Estate, San Francisco, Amerika, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika. Nag-usap ang dalawang pangulo hinggil sa relasyong Sino-Amerikano, at nagpalitan din sila ng kuru-kuro at pananaw tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Kaugnay nito, inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) ang espesyal na programang Paghahanap ng Tamang Daan-Beijing, Washington at Higit pa.
Sa naturang programa, ibinahagi ni Wang Guan, CGTN host, kasama ang mga dalubhasang Amerikano ang kanilang kuru-kuro at pananaw sa kinabukasan ng ugnayan ng Tsina’t Amerika. Kabilang sa mga panauhing Amerikano sina John Kerry, Espesyal na Sugo ng Pangulong Amerikano sa Klima, at Dr. Henry Kissinger, Dating Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Ipinagdiinan ni Kerry ang kahalagahan ng paghahanap ng pamamaraan tungo sa kooperasyon ng Amerika’t Tsina. Samantala, pinagtuunan naman ng pansin ni Dr. Kissinger ang “co-evolution” ng ugnayan ng dalawang bansa.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Ram
Tsina, aanyayahan ang 50,000 kabataang Amerikano sa darating na 5 taon para sa pagpapalitan
Xi: paglulunsad ng cold war o hot war laban sa sinuman, ayaw ng Tsina
Tsina, hinimok na isakatuparan ang resolusyon ng UNSC hinggil sa Gaza
Pangulong Xi, nanawagan sa pagkakaisa at kooperasyon tungo sa komong kasaganaan ng APEC
Pangulong Xi: Nagkakaisa tungo sa komong kasaganaan ng Asya-Pasipiko
Espesyal na regalo mula sa mga estudyante ng mataas na paaralan ng Amerika