Binuksan sa Beijing Nobyembre 28, 2023, ang kauna-unahang China International Supply Chain Expo (CISCE), at nahikayat nito ang maraming kompanyang Amerikano’t Europeo.
Higit sa pagtaya ang mga sumaling eksbitor mula sa Amerika at Europa, at sila ay katumbas ng 36% ng kabuuang bilang ng mga banyagang eksibitor.
Itinayo ng CISCE ang mga sona ng pagtatanghal sa magkakaibang kategoryang kinabibilangan ng intelehenteng sasakyang de-motor, berdeng agrikultura, malinis na enerhiya, didyital na siyensiya’t teknolohiya, malusog na pamumuhay, at iba pa.
Itinatanghal ng mahigit 500 kompanya mula sa 55 bansa’t rehiyon ang kani-kanilang mga bagong teknolohiya, produkto at serbisyo.
Ang pagsali ng maraming kompanyang Amerikano’t Europeo sa CISCE ay patunay na di-maaaring isa-isantabi ang Tsina sa larangan ng global industry at supply chain.
Ipinakikita rin nito ang mahalagang papel ng Tsina sa paggarantiya ng normal na takbo ng global supply chain.
Bukod dito, patuloy na ipinagkakaloob ng bansa ang plataporma sa pagpapalitan at kooperasyon sa global industry at supply chain, para ibahagi ang kaunlaran.
Samantala, nasa kalahati ng kabuuang bilang ng mga eksibitor ay mula sa mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative, at ang CISCE ay nagsisilbing magandang plataporma ng pagtatanghal ng mga bentahe ng kani-kanilang industry at supply chain, at kooperasyong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio