Xi Jinping, nakikidalamhati sa pagyao ni Henry Kissinger

2023-11-30 22:30:13  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Nobyembre 30, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Joe Biden ng Amerika kaugnay ng pagyao ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, at sarili mismo, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa pagyao ni Kissinger, at pakikiramay sa kanyang kapamilya.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Amerika, na ipagpatuloy ang usapin ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, isakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, ihatid ang mga benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at ibigay ang ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.


Editor: Liu Kai