Henry Kissinger, pumanaw sa edad 100 anyos

2023-11-30 16:25:46  CMG
Share with:

Pumanaw Miyerkules, Nobyembre 29, 2023 si Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, sa edad 100 anyos.

 

Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Nobyembre 30, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pananaw ni Dr. Kissinger lubhang mahalaga ang relasyong Amerikano-Sino para sa kapayapaan at kasaganaan ng dalawang bansa at buong mundo.

 

Dapat aniyang manahin at palaganapin ng panig Tsino’t Amerikano ang estratehikong pananaw, tapang pulitikal, at diplomatikong katalinuhan ni Kissinger, at igiit ang paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon, upang pasulungin ang malusog, matatag at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 


Matatandaang dumalaw sa Tsina, Hulyo 1971 si Kissinger bilang espesyal na sugo ng pangulo ng Amerika, at gumawa siya ng historikal na ambag sa proseso ng normalisasyon ng ugnayang Amerikano-Sino.

 

Noong Pebrero 1972, bumalik sa Tsina si Kissinger, kasama ni dating Pangulong Richard Nixon.

 

Nitong nagdaang Hulyo 2023, bumisita siya muli sa Tsina.

 

Sa kanyang buong buhay, mahigit 100 beses na dumalaw sa Tsina si Kissinger.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio