Beijing, Tsina - Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 20, 2023 kay Henry Kissinger, dumadalaw na dating Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na may espesyal na kahulugan ang kasalukuyang biyahe ni Kissinger sa Tsina.
Mahigit 100 beses nang bumisita sa Tsina si Kissinger, at ito ang unang muling pagbisita niya makaraan ng kanyang 100 kaarawan.
Saad ni Xi, noong nagdaang 52 taon, ginawa ng mga lider na Tsino at Amerikano ang tumpak na pagpili ng kooperasyong Sino-Amerikano, bagay na nagbukas ng proseso ng normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano.
Ito ay hindi lamang nakapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa, kundi nakapagpabago rin sa daigdig, dagdag niya.
Saad ni Xi, pinahahalagahan ng mga mamamayang Tsino ang pagkakaibigan, hindi kinakalimutan ang mga matagal na kaibigan, at hindi nakakalimutan ang historikal na ambag na ginawa ni Kissinger para sa pagpapasulong sa relasyong Sino-Amerika, at pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Diin niya, batay sa paggagalangan, may-harmonyang pakikipamuhayan, kooperasyon at win-win na resulta, nakahanda ang Tsina na talakayin, kasama ng Amerika, ang tumpak na paraan ng pakikipamuhayan, at pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Ito aniya ay makakabuti sa kapuwa panig, at makakapaghatid ng benepisyo sa daigdig.
Umaasa si Xi na patuloy na gagampanan ng mga Amerikanong may pangmalayuang pananaw na tulad ni Kissinger ang konstruktibong papel para sa muling pagbalik ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas.
Inihayag naman ni Kissinger na ang relasyon ng Tsina at Amerika ay may kaugnayan sa kapayapaan ng daigdig at progreso ng lipunan ng sangkatauhan.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat sundin ang simulaing tiniyak ng “Komunike ng Shanghai,” maunawaan ang napakalaking kahalagahan ng simulaing isang-Tsina para sa Tsina, at pasulungin ang pagtungo ng relasyong Amerikano-Sino sa positibong direksyon, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil