Sinabi Huwebes, Nobyembre 30, 2023 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang magkasanib na pagpapatrolya ng Pilipinas at Australia ay nagpasidhi ng tensyon sa South China Sea (SCS).
Diin niya, ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa depensa at seguridad ay hindi dapat makatuon sa ika-3 panig, hindi dapat ito makakapinsala sa kapakanan ng ika-3 panig at makakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Buong tatag na tinututulan aniya ng Tsina ang anumang aksyong pumukaw ng komprontasyon at magpasidhi ng tensyon sa South China Sea.
Lubos na magmamatyag ang hukbong Tsino, upang buong tatag na ipagtanggol ang pambansang soberanya, seguridad, mga karapatan at kapakanang pandagat, at kapayapaan at katatagan sa SCS, dagdag ni Wu.
Salin: Vera
Pulido: Ramil