Pulong ng mekanismo ng bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore, pangunguluhan ng mga pangalawang punong ministro ng 2 bansa

2023-12-05 15:31:12  CMG
Share with:

Inanunsyo Lunes, Disyembre 4, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng bansa, dadalaw sa Tsina si Lawrence Wong, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pinansya ng Singapore mula Disyembre 5 hanggang 8.

 

Isinalaysay ni Wang na magkasamang mangungulo Disyembre 7 sa Munisipalidad ng Tianjin sina Ding at Wong sa ika-19 na pulong ng Magkasanib na Konseho ng Tsina sa Singapore sa Bilateral na Kooperasyon, ika-24 na pulong ng China-Singapore Suzhou Industrial Park Joint Steering Council (JSC), ika-15 pulong ng China-Singapore Tianjin Eco-City JSC, at ika-7 pulong ng China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity JSC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil