Nakipagtagpo Disyembre 4, 2023, sa Beijing, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa mga sugo mula sa Unyong Europeo (EU) at mga miyembrong estado na nakatalaga sa Tsina.
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at mga sugo mula sa Unyong Europeo (EU) at mga miyembrong estado na nakatalaga sa Tsina (photo from Xinhua)
Sinabi ni Wang na sa ilalim ng estratehikong patnubay ng mga pinuno ng dalawang panig, ang relasyon ng Tsina at EU ay ganap na nakabangon, matatag at patuloy na umuunlad, at nagpapakita ng magandang sitwasyon.
Sinabi ni Wang na idaraos ng dalawang panig ang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at EU para sa malalim na pagpapalitan hinggil sa mga estratehiko at pandaigdigang isyu sa relasyon ng Tsina at EU. Dapat aniyang magkakasamang magsikap ang dalawang panig para matiyak na ang pagpupulong ay isang ganap na tagumpay.
Ipinahayag naman ng puno ng delegasyon ng EU sa Tsina at mga sugo ng iba’t ibang miyembrong estado sa Tsina na ang EU ay nagpupunyagi para sa pagbuo ng matatag na relasyong EU-Sino, at nakahanda ang EU na makipagtulungan sa Tsina para igiit ang paggagalangan sa isa’t isa at panatilihin ang pag-uugnayan at diyalogo ng kapuwa panig.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil