Ginanap Disyembre 7, 2023 sa Beijing ang Ika-24 na Summit ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
Sa kanyang pakikipagtagpo kina Presidente Charles Michel ng European Council at Presidente Ursula von der Leyen ng European Commission, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igiit ng kapuwa panig ang tamang katayuan ng komprehensibo’t estratehikong partnership, itayo ang tamang kamalayan, at disididong paunlarin ang relasyon.
Inihayag naman ng mga lider ng EU na hindi nararapat maputol ang ugnayan sa Tsina.
Ipinalalagay nilang ang matatag at pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay angkop sa kapakanan ng Europa.
Ang tamang pakikitungo sa isa’t isa ay paunang kondisyon ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at EU.
Sa nasabing pagtatagpo, muling binigyang-diin ni Pangulong Xi na dapat tingnan ng Tsina at EU ang isa’t isa batay sa estratehikong pananaw, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, at pahalagahan ang integridad at pangako.
May saligang kahulugan ang mga paninindigan ni Xi para sa pagpapaalis ng mga hadlang sa relasyon ng Tsina at EU, at pagpopokus sa kooperasyon.
Bilang dalawang pangunahing puwersa sa pagpapasulong sa multi-polarisasyon, dalawang malaking merkadong suportado sa globalisasyon, at dalawang sibilisasyong naninindigan sa dibersidad, may responsibilidad ang Tsina at EU na magkasamang magkaloob ng mas maraming katatagan sa daigdig at mas malaking lakas-panulak sa kaunlaran.
Napatunayan ng mga karanasan ng pagpapalitan ng Tsina at EU nitong nakalipas na dalawang dekada na kung ituturing na komprehensibo’t estratehikong katuwang ang isa’t isa, saka lamang aabante ang bilateral na relasyon.
Sa susunod na dalawang dekada, kailangang igiit ng magkabilang panig ang tamang kamalayan, at buuin ang “upgraded version” ng relasyong Sino-EU sa proseso ng pagpapasulong ng modernisasyong Tsino at integrasyon ng Europa.
Ito ay hindi lamang makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa panig, kundi magkakaloob din ng mas maraming katatagan at katiyakan sa daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil