Nagtagpo Disyembre 7, 2023, sa lunsod Tianjin, sina Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina at Lawrence Wong, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pinansya ng Singapore.
Sina Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina at Lawrence Wong, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pinansya ng Singapore (photo from Xinhua)
Magkasamang pinanguluhan din nila ang ika-19 na pulong ng China-Singapore Joint Council for Bilateral Cooperation, ika-24 na pulong ng China-Singapore Suzhou Industrial Park Joint Steering Council (JSC), ika-15 pulong ng China-Singapore Tianjin Eco-City JSC, at ika-7 pulong ng China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity JSC.
Komprehensibong tinalakay ng dalawang opisyal ang progreso ng aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Singapore. Lubos silang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa kooperasyon ng “Belt and Road Initiative;” kooperasyon sa mga aspekto ng kabuhayan, kalakalan, sustenableng pag-unlad, inobasyon, pinansya, pampublikong kalusugan at pagpapalitang kultural; mga bilateral na proyektong pangkooperasyon sa antas ng bansa at iba pa. Pinaplano rin ng dalawang panig ang mga pangunahing gawain sa susunod na yugto.
Nagkasundo ang dalawang panig na pasulungin ang de-kalidad na pagtatatag ng “Belt and Road”, ipagpatuloy ang pagpapalawak at pagpapalakas ng New International Land-Sea Trade Corridor, palalimin ang kooperasyon sa mga third-party market, gumawa ng bagong bersyon ng mga masusing proyektong pangkooperasyon, aktibong palawakin ang kooperasyon sa didyital na ekonomiya, enerhiyang pandagat at iba pang larangan, at magkasamang pangalagaan ang sistema ng multilateral na kalakalan.
Pagkatapos ng pulong, inanunsyo ng dalawang panig na narating ang 24 na mga bunga, kasama ng isang protocol sa lalo pang pag-u-upgrade ng China-Singapore Free Trade Agreement (CSFTA), 30-day mutual visa exemption arrangement para sa mga ordinary passport holder.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil