Liderato ng CPC, inanalisa at pinag-aralan ang mga gawaing may kinalaman sa kabuhayang Tsino sa 2024

2023-12-09 17:37:49  CMG
Share with:

Sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, nagpulong kahapon, Disyembre 8, 2023, sa Beijing, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, para analisahin at pag-aralan ang mga gawaing may kinalaman sa kabuhayang Tsino sa 2024.

 

Ayon sa pulong, naisakatuparan sa taong ito ang pagbangon ng kabuhayang Tsino at natamo ang progreso sa de-kalidad na pag-unlad. Batay sa kalagayang ito, sa susunod na taon, dapat ibayo pang palakasin ang bitalidad ng kabuhayan, alisin ang mga panganib, pabutihin ang mga inaasahan ng lipunan, at patatagin ang tunguhin ng pagbuti at paglago ng kabuhayan.

 

Dagdag ng pulong, dapat panatilihin ang pleksibilidad ng pagsasaayos ng mga makro-polisya, pabutihin ang kalidad at episiyensiya ng proaktibong patakarang piskal, at palakasin ang pagiging angkop at naka-target ng matatag na patakarang pansalapi.

 

Ayon pa rin sa pulong, dapat palakasin ang modernong sistemang industriyal sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensya at panteknolohiya, igarantiya ang pagiging ligtas ng kadena ng industriya at suplay, dagdagan ang pangangailangang panloob, isakatuparan ang mabuting pagpapasulong ng konsumo at pamumuhunan sa isa’t isa, at palalimin ang reporma sa mga pangunahing aspekto.

 

Hiniling ng pulong, na palawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas; tiyakin ang mabuting kalagayan ng kalakalang panlabas at pamumuhunang dayuhan; pabutihin ang mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at mga magsasaka; itaguyod ang berde at mababang karbong pag-unlad, at isakatuparan ang mas mabuting pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Samantala, isinaayos din sa nabanggit na pulong ang mga gawain ng malinis na pamamahala at paglaban sa korupsyon ng partido, at sinuri ang mga bagong regulasyon sa disiplina ng CPC.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos