Magkasamang inilabas Huwebes, Disyembre 7, 2023 ng China Foundation for Human Rights Development at New China Research (NCR), think tank ng Xinhua News Agency ng Tsina, ang ulat na tinaguriang "For a Better World – Looking at the Past Decade of Jointly Pursuing the Belt and Road Initiative from a Human Rights Perspective."
Malalimang inilahad ng ulat ang relasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) at pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao sa daigdig.
Sa pamamagitan ng maraming halimbawa’t datos, idinispley ng ulat ang positibong papel ng BRI sa pagpapasulong sa mas mainam na pagpapatupad ng mga mamamayang lokal ng karapatan sa buhay at kaunlaran, at pagsasakatuparan ng mas malawakang garantiya sa karapatang pantao nitong nakalipas na isang dekada.
Nilagom din nito ang inspirasyon ng BRI para sa global human rights governance.
Anang ulat, ipinagkakaloob ng magkasamang pagpapatupad ng BRI ang isang modelong praktikal para sa pagpapasulong sa kaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyon at pagpapasulong sa karapatang pantao sa pamamagitan ng kaunlaran, aktibong pagbibigay-tulong sa paghulagpos ng mga di-maunlad na bansa ng mga hadlang sa kaunlaran, pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng mga kasaling bansa, paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa proseso ng pag-unlad, walang humpay na pagpapatibay ng pundasyon ng usapin ng karapatang pantao, at mas mainam na pangangalaga at pagpapasulong sa karapatang pantao.
Ipinalalagay ng ulat na ang ideya ng pagpapauna ng mga mamamayan, pagpapasulong sa kooperatibong pag-unlad, at paggigiit sa pagbubukas, pagbibigayan at katarungan at mga natamong bunga ng BRI ay hindi lamang nagbigay ng sigasig ng Tsina sa pagpapasulong sa pag-unlad at progreso ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, kundi nagkaloob din ng katalinuhan ng Tsina sa global human rights governance.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Bisyon at Aksyon Para sa Dekalidad na Kooperasyon ng Belt and Road, inilabas ng Tsina
Makabagong pag-unlad ng BRI, tinalakay sa Ika-7 Silk Road International Exposition
Pag-unlad ng internet sa mga di maunlad na bansa, pinapalakas ng BRI - ulat
De-kalidad na kooperasyon ng Tsina at Kyrgyzstan sa BRI, ipinanawagan ng premyer Tsino