CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, nagbibigay ng lakas-panulak sa kabuhayang pandaigdig

2023-12-07 16:19:53  CMG
Share with:

Noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 5.2% ang kabuhayang Tsino kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, ang bahagdan ng paglago ng kabuhayan ng Amerika at Euro Zone sa parehong panahon ay 2.4% at halos 0.5%, ayon sa pagkakasunod.

 

Magkahiwalay namang pinataas kamakailan sa 5.4% at 5.2% ng International Monetary Fund (IMF) at Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang Tsino sa 2023.

 

Bukod pa riyan, pawang pinataas din sa lampas sa 5% ang nasabing pagtaya ng maraming organong komersyal na gaya ng J.P. Morgan, Morgan Stanley, Citigroup at iba pa.

 

Ayon sa IMF, lampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito.

 

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay hindi lamang “Pabrikang Pandaigdig,” kundi namumuno rin sa mga larangang gaya ng berdeng pag-unlad at didyital na ekonomiya, at ipinagkakaloob nito ang lakas-panulak para sa kabuhayan ng mundo.

 

Nahaharap ang kabuhayang pandaigdig sa multipleng hamong gaya ng mataas na implasyon, sagupaang heopolitikal, krisis ng enerhiya’t pagkaing-butil at iba pa, at kailangang kailangan ang katatagan, at maaaring ipagkaloob ng Tsina ang ganitong katatagan.

 

Di-katulad ng ilang bansang kanluranin, nananatiling malakas at tuluy-tuloy ang polisyang ekonomiko ng Tsina, at sa aspekto ng ideyang pangkaunlaran, sa mula’t mula pa’y binibigyang-diin ng bansa ang komong kaunlaran, pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at magkasamang pagsasakatuparan ng modernisasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio