Tsina, nawalan ng kasiyahan sa pagbeto ng Amerika sa tigil-putukan sa Gaza

2023-12-09 17:40:35  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Disyembre 8, 2023, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang kawalang kasiyahan sa pagbeto ng Amerika sa resolusyon ng UN Security Council na humihiling sa agarang pagsasagawa ng tigil-putukan sa Gaza para sa mga makataong gawain.

 

Ang naturang resolusyon na iniharap ng United Arab Emirates sa suporta ng mahigit 100 bansa, ay nakakuha ng mga boto ng pagsang-ayon mula sa 13 sa 15 miyembro ng UN Security Council. Pero, bumoto ng abstain ang Britanya, at bumeto ang Amerika.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhang, na nagpapakita ang resolusyong ito sa unibersal na panawagan ng komunidad ng daigdig, at kumakatawan sa tamang direksyon para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Gaza.

 

Dagdag niya, mapagkunwari ang pag-uusap tungkol sa pangangalaga sa karapatang pantao habang pumapayag sa pagpapatuloy ng sagupaan. Ito aniya ay pagsasagawa ng “double standard.”


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos