Tsina sa Pilipinas: Itigil ang probokatibong aksyon sa South China Sea

2023-12-09 17:43:09  CMG
Share with:

Sa pahayag na inilabas ngayong araw, Disyembre 9, 2023, sinabi ng China Coast Guard, na isinagawa nito, alinsunod sa batas, ang mga “control measure” sa tatlong bapor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pilipinas, na pumasok nang araw ring iyon sa karagatan ng Huangyan Island sa South China Sea (SCS).

 

Samantala, bilang tugon sa pagpapatibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas ng resolusyon tungkol sa SCS, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat itigil ng Pilipinas ang “hyping up” sa mga hidwaang pandagat at mga probokatibong aksyon sa dagat, bumalik sa tumpak na landas ng pagsasanggunian at talastasan, at magsikap, kasama ng Tsina, para panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa SCS.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos