Bilang tugon sa pinakahuling pahayag ng Amerika tungkol sa isyu ng South China Sea (SCS), sinabi ngayong araw, Disyembre 11, 2023, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang hidwaang pandagat ng Tsina at Pilipinas ay isyu sa pagitan ng dalawang bansa, at walang karapatan ang anumang ikatlong panig na makialam dito.
Pinuna rin ni Mao ang Amerika sa matagal nitong pakikipagsabwatan, pagpapalakas-loob, at pagsuporta sa Pilipinas para sa pagsasagawa ng mga aksyon ng paglabag sa karapatan at probokasyon sa SCS, at pagbabaligtad ng tama’t mali at panunulsol ng komprontasyon sa isyu ng SCS.
Aniya, ginagawa ng Amerika ang mga ito para sa makasariling layuning heopulitikal, at makakapinsala ito sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Alinsunod sa mga batas ng bansa at pandaigdigang batas, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat, dagdag ng tagapagsalitang Tsino.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos