Impeachment kay Pangulong Joe Biden, aprubado ng Mababang Kapulungan ng Amerika

2023-12-14 16:20:45  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng botohan, inaprubahan, Disyembre 13, 2023 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang impeachment inquiry laban kay Pangulong Joe Biden ng bansa.

 

Nais imbestigahan sa nasabing impeachment inquiry ang mga alegasyong kinabibilangan ng pagtulong di-umano ni Biden sa kanyang anak na lalaking si Hunter at iba pang kapamilya para ilegal na makinabang sa mga negosyo sa mga dayuhang kompanya, gamit ang mga polisya ng bansa.

 

Nakatakdang ilipat sa Mataas na Kapulungan ang nasabing proseso.

 

Tatagal hanggang 2024 ang kaukulang imbestigasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio