Sinang-ayunan, Miyerkules, Disyembre 13, 2023 (lokal na oras) ng mga kinatawan ng halos 200 bansa sa Ika-28 Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28), na simulan sa lalong madaling panahon ang pagbabawas ng pandaigdigang konsumo ng fossil fuel, para harapin ang pagbabago ng klima.
Makaraan ang dalawang linggong negosasyon sa Dubai, narating ang kasunduan.
Ipinakikita nito ang maliwanag na senyal sa mga mamumuhunan at tagagawa ng polisiya na ang buong mundo ay nagbubuklud-buklod para bawasan ang paggamit ng fossil fuel.
Ayon kay Sultan Al Jaber, Presidente ng COP28, historikal ang naturang kasunduan.
Pero ang tunay na tagumpay ay nakasalalay sa pagpapatupad nito, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio