Nakipagtagpo kahapon, Disyembre 15, 2023, sa Beijing, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, sa mga diplomata ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi ni Wang, na nitong 10 taong nakalipas, tuluy-tuloy na humihigpit ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Aniya, narating na ng Tsina, kasama ng karamihan sa mga bansang ASEAN, ang komong palagay sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan. Ang Tsina ay patuloy na magiging maaasahan at pangmatagalang komprehensibo at estratehikong partner ng ASEAN.
Isinalaysay din ni Wang ang tungkol sa pagkakaroon ng pansamantalang tigil-putukan sa hilagang bahagi ng Myanmar, sa ilalim ng medyasyon ng Tsina. Diin niya, ang susi sa paglutas sa isyu ng Myanmar ay nasa kamay ng mga mamamayan ng bansang ito, at kinakatigan din ng Tsina ang karapat-dapat na papel ng ASEAN sa isyung ito.
Sinabi naman ng mga diplomata ng mga bansang ASEAN, na nagbigay ang Tsina ng malaking pagkakataon para sa kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng kani-kanilang bansa.
Ipinahayag din nila ang pag-asang, patataasin sa bagong lebel ang komprehensibo at estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina, at lilikhain ang mas maliwanag at sustenableng relasyon ng dalawang panig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos