Mahigit 487 bilyong yuan na pamumuhunan, narating sa ika-20 China-ASEAN Expo

2023-09-18 16:09:01  CMG
Share with:


Sa isang seremonyang idinaos Linggo, Setyembre 17, 2023, sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang ng Tsina, sa panahon ng Ika-20 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Expo, nilagdaan ang mga kasunduan ng 184 na proyekto.

 

Ito ay bahagi lamang ng mga proyektong narating sa kasalukuyang China-ASEAN Expo.

 

Ayon sa salaysay, nilagdaan ang mga kasunduan sa 470 proyekto ng kooperasyon sa pamumuhunan, na nagkakahalaga ng 487.3 bilyong yuan RMB.

 

Pinakamalaki sa kasaysayan ng China-ASEAN Expo ang bilang ng mga nilagdaang proyekto, at kabuuang halaga ng pamumuhunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Frank