Pagbibigay-sulit ng punong ehekutibo ng HKSAR, pinakinggan ni Pangulong Xi

2023-12-19 15:35:10  CMG
Share with:


Nakipagtagpo, Disyembre 18, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ehekutibo John Lee ng Espesyal ng Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), para pakinggan ang pagbibigay-sulit ni Lee sa kasalukuyang kalagayn ng Hong Kong at mga gawain ng pamahalaan ng HKSAR.

 

Binigyan ni Xi ng lubos na pagpapahalaga ang mga gawain ni Lee at ng kanyang pamahalaan nitong nakalipas na isang taon.

 

Diin niya, komprehensibo, wasto, at buong tatag na isasagawa ng pamahalaang sentral ang polisyang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa mahabang panahon, at komprehensibong ipapatupad ang simulaing “pangangasiwa sa Hong Kong ng mga patriots o makabayan.”

 

Samantala, puspusang susuportahan ang pamumuno ng punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR sa iba’t ibang sirkulo ng lipunan, upang patibayin at pataasin ang katayuan ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentro ng pananalapi, abiyasyon, at kalakalan, at pasulungin ang mas magandang pag-unlad ng Hong Kong, dagdag ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil