Makaraang mag-usap sa telepono Miyerkules, Disyembre 20, 2023, inanunsyo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Daniel Ortega ng Nicaragua ang pormal na pagtatatag ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Diin ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na maging mapagtitiwalaang kaibigan ng Nicaragua, patuloy at buong tatag na susuportahan ang pangangalaga ng Nicaragua sa pagsasarili ng bansa at dignidad ng nasyon, at tutulan ang pakikialam ng panlabas.
Inihayag din niya ang kahandaang palakasin ang pakikipagpalitan ng karanasan sa Nicaragua sa pangangasiwa sa bansa, pagpapawi ng karalitaan at iba pang aspekto.
Tinukoy ni Xi na pormal na magkakabisa, Enero 1, 2024 ang kasunduan ng Tsina at Nicaragua sa malayang kalakalan, at ito ay dapat gawing pagkakataon ng kapuwa panig, para walang patid na pataasin ang saklaw at lebel ng bilateral na kalakalan.
Pinasalamatan naman ni Ortega ang pagkatig ng Tsina sa pagtatanggol ng Nicaragua sa soberanya at pagsasarili, at ibinigay na ang tulong nito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng kanyang bansa.
Buong tatag na sinusunod ng Nicaragua ang prinsipyong isang-Tsina, at sinusuportahan ang mga pandaigdigang inisyatibang pangkooperasyon na iniharap ni Pangulong Xi, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil