Sa pamamagitan ng 13 boto ng pagsang-ayon at 2 boto ng pag-abstain, pinagtibay kahapon, Disyembre 22, 2023, ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang 2720, na humihiling na tiyakin ang agaran, ligtas, at walang hadlang na direktang ipagkakaloob ng malaking saklaw ang makataong tulong sa mga sibilyan ng Palestina sa buong Gaza Strip.
Habang galing naman sa Amerika at Rusya ang dalawang boto ng pag-abstain.
Bago ang botohan, iniharap ng Rusya ang mosyon tungkol sa pagpapanatili sa resolusyon ng kahilingan sa pangkagipitang pagtigil ng mga aksyong ostilo sa pagitan ng Israel at Hamas pero, bineto ito ng Amerika.
Sa pinagtibay na resolusyon, ang orihinal na kahilingang ito ay pinalitan ng pananalitang “lumikha ng mga kondisyon para sa tuluy-tuloy na pagtigil ng mga aksyong ostilo sa pagitan ng Israel at Hamas.”
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos