Geneva, Switzerland – Sa espesyal na pulong ng World Health Organization (WHO) Executive Board hinggil sa kalagayang pangkalusugan sa sinakop na teritoryo ng Palestina, Disyembre 10, 2023, inilahad ni Chen Xu, Puno ng Misyong Tsino sa Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, na ang pinakapangkagipitan ngayon ay pagpapasulong sa tigil-putukan.
Aniya pa, kailangan ding maresolba ang krisis-pangkalusugan, at upang magkaroon ng pangmatagalang lunas, nararapat isakatuparan ang “two state solution.”
Diin pa niya, sapul nang sumiklab ang kasalukuyang sagupaan, ipinagkaloob ng panig Tsino ang tulong na salapi sa panig Palestino at mga organo ng UN, sa pamamagitan ng iba’t-ibang tsanel, at ibinigay ang mga saklolong gaya ng pagkain at gamot sa Gaza Strip.
Batay sa pangangailangan ng mga mamamayan sa Gaza, patuloy na magbibigay ng pangkagipitang makataong saklolo ang Tsina, dagdag ni Chen.
Salin: Vera
Pulido: Rhio