Pinagtibay, Disyembre 12, 2023 ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) ang resolusyong humihiling sa agarang pagsasakatuparan ng makataong tigil-putukan sa Gaza Strip.
Ayon dito, kailangang proteksyunan ang mga sibilyang Palestino’t Israeli ayon sa International Humanitarian Law, ipatupad ang walang pasubaling pagpapalaya sa lahat ng mga bihag, at paggarantiya sa pagkakaroon ng mga tsanel ng makataong saklolo.
Sa botohan, 153 bansa ang sumuporta sa resolusyon, samantalang 10 ang tumutol at 23 iba pa ang nag-abstina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio