Pagboto sa pinakabagong panukalang resolusyon sa isyu ng Palestina at Israel, ipinagpaliban muli ng UNSC

2023-12-22 16:20:05  CMG
Share with:

Ipinagpaliban muli Disyembre 21, 2023, lokal na oras, ng United Nations Security Council (UNSC) ang botohan sa panukalang resolusyon sa isyu ng Palestina at Israel at ito ang ika-7 beses na ipinagpaliban ang pagboto sa naturang resolusyon.

 

Hiniling sa pinakahuling edisyon ang agarang tigil-putukan para ang mga makataong tulong ay ligtas na makapasok sa Gaza Strip, at nanawagan para sa pagtatatag ng mekanismo sa pagsubaybay sa suplay ng makataong tulong na pamumunuan ng Pangkalahatang Kalihim ng UN.

 

Gayunpaman, may pagtutol ang Amerika sa ilan sa mga nilalaman ng resolusyon at orihinal itong itinakdang pagbotohan sa Disyembre 18, pero maraming beses na itong ipinagpaliban.

 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil