Mga estudyante sa nilindol na purok ng lalawigang Qinghai, bumalik na sa paaralan

2023-12-26 15:27:35  CMG
Share with:

Ayon sa Departamento ng Edukasyon ng lalawigang Qinghai ng Tsina, Disyembre 25, 2023, bumalik na sa paaralan ang mga estudyante ng mga mababa at mataas na paaralan sa nilindol na Minhe County, Hualong County at Xunhua County ng lalawigang Qinghai.

 


Kabilang dito, 118,600 estudyante mula sa 355 paaralan ang bumalik sa silid-aralan, samantalang 7,700 estudyante ng 16 na paaralan ang nag-aaral sa pamamagitan ng online courses.

 

Pinasimulan ng nasabing departamento ang plano sa online teaching, at ipinagkakaloob sa mga estudyante ang de-kalidad na pagtuturo, gamit ang mga platapormang gaya ng Smart Education of China.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil