Tsina, umaasang babalik ang Pilipinas sa landas ng maayos na pangangasiwa sa pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo

2023-12-27 17:09:09  CMG
Share with:

Kaugnay ng akusasyon ng pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino, na panghihimasok sa teritoryo, ipinahayag kamakailan ng Pilipinas na hindi nito sinusulsulan ang kaguluhan sa South China Sea.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 26, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga kaganapan sa South China Sea ay dahil sa pagbabago ng patakaran at paninindigan ng panig Pilipino, pagtalikod nito sa pangako, at paglabag sa pandaigdigang batas at Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 


Ang responsibilidad aniya ay nasa Pilipinas.

 

Ani Mao, matatag na pinangangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo at karapatan ng bansa.

 

Umaasa ang Tsina na babalik ang Pilipinas sa landas ng maayos na pangangasiwa sa pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, para kontrolin ang kalagayan sa dagat, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio