Sa paanyaya ng panig Pilipino, nag-usap, Disyembre 20, 2023 sa telepono sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim Enrique A. Manalo ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Sa kalagayang sumasadlak sa deadlock ang ugnayang Sino-Pilipino dahil sa isyu ng South China Sea (SCS), ang nasabing pag-uusap ay nakatawag ng pansin ng tagalabas.
Sa kanilang pag-uusap, malinaw na tinukoy ng panig Tsino na nahaharap ang relasyong Sino-Pilipino sa kahirapan, at ang ugat nito ay ang pagbabago ng patakaran at paninindigan ng Pilipinas, pagtalikod sa pangako, pagsasagawa ng probokasyon sa dagat, at pagsira sa lehitimong kapakanan at karapatan ng Tsina.
Nitong nakalipas na ilang taon, nanatiling mainam sa kabuuan ang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas.
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay unang panauhing sinalubong ng Tsina noong unang dako ng kasalukuyang taon, at narating ng kapuwa panig ang maraming mahahalagang komong palagay sa panahong iyon.
Kabilang dito, sinang-ayunan ng dalawang bansa na patuloy at maayos na hawakan ang mga isyung pandagat, sa pamamagitan ng mapagkaibigang negosasyon.
Pero di-mabisang ipinatupad ang nasabing mga komong palagay, sa halip, binago ng panig Pilipino ang direksyon ng patakaran sa Tsina, at madalas na niluto ang kaguluhan sa isyu ng SCS, bagay na nagpasidhi ng maigting na kalagayan.
Tinukoy ng tagamasid na sa isang banda, sa mula’t mula pa’y mayroong matigas na boses sa loob ng Pilipinas sa isyu ng SCS, at balak ng lider ng Pilipinas na patibayin ang support rate, sa pamamagitan ng pagpapakita ng matigas na pakikitungo. Sa kabilang banda naman, kasabay ng pag-a-upgrade ng Amerika at Pilipinas ng kanilang kooperasyon sa seguridad at iba pang larangan, malinaw na pumapanig sa Amerika ang patakarang panlabas ng Pilipinas.
Nitong nakalipas na mahabang panahon, ipinakikita ng panig Tsino ang napakalaking pagtitimpi at pasensya, upang maayos na resolbahin ang alitang pandagat sa Pilipinas. Pero hindi nangangahulugan itong yuyuko ang Tsina sa isyung may kinalaman sa soberanya.
Ang komprehensibo’t pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Pilipinas nitong nakalipas na ilang taon ay nagbunga ng aktuwal na kapakanan sa Pilipinas.
Kung madalas na manggugulo ang panig Pilipino sa SCS, makakasira ito sa kooperasyon ng dalawang bansa, at makakapinsala rin sa sariling kapakanan.
Hinding-hindi isasara ng Tsina ang pinto nito sa pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas, at inaasahang babalik ang Pilipinas sa tamang landas, at ipapatupad ang pangako sa maayos na pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng negosasyon.
Ang prospek ng ugnayang Sino-Pilipino ay nakasalalay sa gagawin ng Pilipinas.
Salin: Vera
Pulido: Ramil