MOFA: patakaran ng Tsina sa pangangalaga, kasama ng mga bansang ASEAN, sa kapayapaan at katatagan ng SCS, hindi nagbabago

2023-12-22 11:27:00  CMG
Share with:


Inulit Huwebes, Disyembre 21, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi nagbabago ang patakaran ng bansa, na pangalagaan, kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas, ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea (SCS).

 

Saad ni Wang, palagi at malinaw ang paninindigan ng Tsina sa alitang pandagat nila ng mga kapitbansa.

 

Aniya, hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina na maayos na kontrulin ang alitan, sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon, at hindi nagbabago rin ang pakikitungo nito sa pagpapatupad, kasama ng panig Pilipino, ng mga pagkakaunawaan at komong palagay ng kapuwa panig.

 

Siyempre, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagtatanggol sa sariling soberanya at lehitimong karapatan at kapakanan, dagdag ni Wang.

 

Umaasa aniyang gagawin ng Pilipinas ang makatarungang pagpili, susundin ang mabisang paraan ng pakikipamuhayan sa kapitbansa, at maayos na hahawakan at kokontrulin, kasama ng panig Tsino ang kasalukuyang kalagayang pandagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil