Dokumentaryo sa kooperasyon ng Tsina at Timog Aprika, ilalabas

2023-12-28 16:36:28  CMG
Share with:

Ang 2023 ay ika-25 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Aprika.

 

Ito ay isa sa mga pinakamasiglang bilateral na relasyon ng mga umuunlad na bansa.

 

Kaugnay nito, ilalabas mula Disyembre 28 hanggang Disyembre 30, 2023 ang dokumentaryong pinamagatang “25 Years On — Documenting China-South Africa Friendship and Cooperation.”

 


Magkasamang iniprodyus ng China Media Group (CMG) at South African Broadcasting Corporation, ipinakikita ng dokumentaryo ang mga bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, pagpapalitang pangkultura at iba.

Ito rin ay nagtatala ng kuwento ng mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Timog Aprika.

 

Ang dokumentaryo ay mayroong 3 episode, na may habang 30 minuto ang isa.

 

Ang “25 Years On — Documenting China-South Africa Friendship and Cooperation” ay ipapalabas sa CCTV-4 International Channel, CGTN English Channel, at CGTN Documentary Channel.

 

Samantala, ilalabas naman ito sa CGTN-Français Channel at CGTN-Arabic Channel mula Disyembre 29 hanggang Disyembre 31.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio