Xi Jinping, nakipagtagpo sa mga diplomatang Tsino sa ibang bansa

2023-12-29 20:09:41  CMG
Share with:


Nakipagtagpo Disyembre 29, 2023, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga diplomatang Tsino sa ibang bansa na bumalik sa Beijing para lumahok sa pulong tungkol sa gawain ng mga diplomata sa ibayong dagat.

 

Ipinahayag ni Xi ang pangungumusta at pasasalamat sa mga diplomatang Tsino sa ibang bansa sa kanilang buong lakas na pagsisikap sa taong ito para sa gawaing diplomatiko ng Tsina.

 

Hiniling niya sa mga diplomata, na pag-aralan ang mga diwa ng katatapos na Komperensyang Sentral hinggil sa Gawaing May Kinalaman sa mga Suliraning Panlabas, ipatupad ang kaisipan sa diplomasya na may katangiang Tsino, unawain ang pandaigdigang kapaligiran at makasaysayang misyon ng gawaing diplomatiko ng bansa, at gawin ang bagong ambag para sa major-country diplomacy na may katangiang Tsino.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos