Ministrong Pinansyal ng Tsina, binigyan-diin ang proaktibong patakarang pinansyal

2023-12-29 16:29:44  CMG
Share with:

Sinabi sa simposyum, Disyembre 28, 2023, ni Lan Fo’an, Ministrong Pinansyal ng Tsina, na patuloy na ipapatupad ng Tsina ang proaktibong patakarang pinansyal para ipagkaloob ang pinansyal na paggarantiya para sa pagtatatag ng modernong sosyalismong bansa sa lahat ng aspekto.

 

Ayon kay Lan, sa harap ng seryoso at masalimuot na situwasyon ng 2023, nilalabanan ng ekonomiyang Tsino ang presyur, pinatatag nito ang antas at pinabuti ang kalidad.

 

Sa susunod na taon, higit pang palalakasin ng departamento ng pinansyal ang suporta sa patakaran at mga garantiya sa pagpopondo, ganap na gagamitin ang mga buwis, paglilipat ng mga bayad, pamumuhunan ng pamahalaan, garantiyang pinansyal at iba pang kasangkapan sa patakaran, at palakasin ang koordinasyon sa piskal at patakaran sa pananalapi, pati na rin ang iba pang mga patakaran.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil