Kalakalang panlabas at global market share ng Tsina sa buong 2023, mananatiling matatag

2023-12-29 16:31:50  CMG
Share with:

Sinabi sa isang preskon, Huwebes, Disyembre 28, 2023 ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina na mananatiling matatag ang kalakalang panlabas at global market share ng bansa sa taong ito.

 

Sinabi ni He Yadong, Tagapagsalita ng MOC na sa taong ito, ang kalakalang panlabas ng Tsina ay nagpakita ng bahagyang kalakasan ng katatagan, ipinagtagumpayan nito ang epekto ng pagliit ng pangangailangang panlabas, tunguhin ng pagbaba ng presyo, at mataas na base ng nakaraang taon.

 

Sinabi ni He, na inaasahang haharapin ng bansa sa 2024 ang mga kawalang-katiyakang panlabas pero, sinasaksihan din nito ang lumalaking bilang ng paborableng kadahilanan para sa ekonomikong pag-unlad.

 

Ayon kay He, ang mga dibidendo ng pagbubukas ng Tsina sa labas ay magpapatuloy, at ang mga bagong produkto pati na rin ang mga bagong porma ng negosyo sa dayuhang kalakalan ay maglalabas ng higit pang potensyal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil