Sa kanyang talumpati sa pangkagipitang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) sa pagsusuri sa isyu ng Ukraine, Disyembre 30, 2023, ipinahayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na walang magwawagi sa digmaan.
Si Geng Shuang, Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)
Aniya, ang alitan ay magdudulot lamang ng kasuwalti sa mga mamamayan, makakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at lilikha ng mas maraming balakid sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, partikular sa pagsasakatuparan ng “UN 2030 Agenda for Sustainable Development” ng mga umuunlad na bansa.
Muli aniyang hinihimok ng Tsina ang iba’t-ibang kinauukulang panig na tumugon sa panawagan ng UN para sa kapayapaan, at agarang pagsasagawa ng tigil-putukan at paghinto ng alitan.
Patuloy na tumatayo ang Tsina sa panig ng kapayapaan at diyalogo, dagdag niya.
Ani Geng, nagsisikap ang Tsina para sa pagpapasulong ng talastasan at gumaganap ito ng konstruktibong papel para malutas ang krisis ng Ukraine sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio