Pagsasakatuparan ng kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyong pandaigdig, ipinagdiinan sa Jeddah talks hinggil sa isyu ng Ukraine

2023-08-07 16:28:10  CMG
Share with:

Ipininid Linggo, Agosto 6, 2023 sa lunsod Jeddah, Saudi Arabia ang 2-araw na pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Ukraine.

 

Ipinagdiinan ng iba’t ibang kalahok na panig ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng mapayapang pagresolba sa krisis ng Ukraine, sa pamamagitan ng negosasyong pandaigdig.

 

Ayon sa ulat ng Saudi Arabian media, dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula sa mahigit 40 bansa’t organisasyong pandaigdig, sa kapuwa online at offline na paraan.

 

Pinakinggan ng mga kalahok ang kuru-kuro ng mga kinatawan ng iba’t ibang panig hinggil sa isyu ng Ukraine, at tinalakay ang hinggil sa mapayapang solusyon na iniharap ng Ukraine.

 

Anang ulat, laging nagpupunyagi ang Saudi Arabia sa pagpapasulong sa pagkakaroon ng nagsasagupaang panig ng Rusya at Ukraine ng pangmatagalang kapayapaan, at itinaguyod ang naturang pulong, upang mapasulong ang negosasyon at kooperasyong pandaigdig at ibang sigasig para sa pulitikal na pagresolba sa krisis ng Ukraine.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil