Pangulo ng Tsina at Amerika, bumati sa ika-45 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2024-01-01 11:22:41  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Enero 1, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, ang mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi, na nitong 45 taong nakalipas, sa kabila ng mga ligalig, umuunlad sa kabuuan ang relasyong Sino-Amerikano. Ito aniya ay makakatulong hindi lamang sa pagdaragdag ng kabiyayaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi pagpapasulong din sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng daigdig.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, pasusulungin ng dalawang bansa ang matatag, malusog, at sustenableng bilateral na relasyon.

 

Sinabi naman ni Biden, na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, ang pag-uugnayan ng Amerika at Tsina ay nagdudulot ng kasaganaan at mga pagkakataon sa dalawang bansa mismo at buong daigdig.

 

Umaasa aniya siyang, batay sa mga natamong progreso sa mga pagtatagpo ng kasalukuyan at dating mga lider ng dalawang bansa, patuloy na pasusulungin ang relasyong Amerikano-Sino.


Editor: Liu Kai