Positibo’t konstruktibong bunga, natamo ng video call ng panig militar ng Tsina at Amerika

2023-12-28 16:48:48  CMG
Share with:

Isinalaysay Huwebes, Disyembre 28, 2023 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nag-usap, Disyembre 21, via video link sina Liu Zhenli, Chief of Staff ng Joint Staff Department ng Central Military Commission ng Tsina, at Charles Quinton Brown Jr., Tagapangulo ng Joint Chiefs of Staff ng Amerika.

 

Aniya, matapat at malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa pagpapatupad ng komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa usaping militar sa pagtatagpo nila sa San Francisco, at iba pang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

 

Natamo ang positibo’t konstruktibong bunga sa pag-uusap, dagdag ni Wu.

 

Umaasa si Wu, na magtatagpo sa gitna ang Tsina at Amerika, at pasusulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo, batay sa pagkakapantay at paggagalangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio