Kaayusang panseguridad ng Tsina sa bakasyon ng bagong taon 2024, mabuti

2024-01-02 16:12:37  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, Enero 1, 2024, sa panahon ng katatapos na bakasyon ng bagong taong 2024, puspusang ipinatupad ng mga departamento ng seguridad na pampubliko sa buong bansa ang iba’t ibang hakbangin sa pagpapanatiling ligtas at matatag, bagay na nagbigay-garantiya sa pagsalubong ng mga mamamayan ng bagong taon sa ilalim ng mapayapa’t ligtas na atmospera.

 


Hanggang alas-4 kahapon ng hapon, nanatiling mainam ang kaayusang panseguridad sa buong bansa, ligtas at maalwang idinaos ang 640 malalaking aktibidad, at mabuti ang kaayusan sa mga pangunahing scenic spot.

 

Bukod pa riyan, pinalakas ng iba’t ibang lugar ang pangangasiwa at pagkontrol sa trapiko sa mga pangunahing lansangan, para tiyakin ang katatagan at kaayusan ng transportasyon ng buong bansa.

 

Mahigit 4.1 milyong person-time ang lumabas at pumasok sa bansa, sa pamamagitan ng mga departamentong panghanggahan, at nanatiling ligtas at matatag ang lahat ng mga puwerto at hanggahan ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil