Karaniwang pagpapatrolya, isinasagawa ng PLA sa South China Sea

2024-01-03 22:59:39  CMG
Share with:

Isinasagawa, mula Enero 3 hanggang Enero 4, 2024, ng Southern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina ang karaniwang pagpapatrolyang  pandagat at panghimpapawid sa South China Sea.


Ito ang ipinahayag ng nasabing sangay ng PLA, Miyerkules, Enero 3.


Dagdag nito, nananatiling nasa mataas na alerto ang mga tropa ng nasabing sangay at matatag nilang ipinagtatanggol ang pambansang kaligtasang soberano, at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina. Anumang aktibidad-militar na naglalayong maghasik ng kaguluhan, magpasama ng situwasyon sa South China Sea o lumilikha ng hotspot, ay nasa ganap na kontrol, dagdag ng pahayag.  



Salin: Jade


Pulido: Rhio