Ayon sa datos ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, hanggang Enero 2 (lokal na oras), 2024, lumampas sa kauna-unahang pagkakataon sa 34 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng utang ng pamahalaang pederal – tatlo’t kalahating buwan lang ang nakalipas sapul nang lumampas sa 33 trilyon dolyares ang nasabing datos, at 5 buwang mas maaga kumpara sa pagtaya ng Congressional Budget Office.
Ayon sa mga kaukulang dalubhasa, nitong nakalipas na mahabang panahon, nakakakuha ang pamahalaang Amerikano ng pondo sa pamamagitan ng pag-isyu ng pambansang utang, upang punuin ang depisit. Dahil napakababa ng gastos sa pangungutang, tumataas nang tumataas ang utang ng Amerika.
Tinaya ng tagapag-analisa na batay sa kasalukuyang tunguhin, tataas ng mahigit 2 trilyong dolyares ang utang ng pamahalaang Amerikano kada taon.
Alang-alang sa matinding alitan ng dalawang partido ng Amerika sa usapin ng tesorarya, at kawalan ng palatandaan ng pagresolba ng pamahalaan sa isyu ng utang, tinaya ng taga-labas na ibayo pang lalala ang isyu ng pambansang utang ng Amerika.
Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng utang ng Amerika at nakatagong panganib sa de ay tiyak na makakaapekto sa kompiyansa ng mga mamumuhunang dayuhan sa kabuhayang Amerikano.
Sa internasyunal na anggulo, ang US dollar ay nangungunang reserve currency at settlement currency sa daigdig, kaya ang labis at walang kabawalang pangungutang ng Amerika ay magbubunga ng kaligaligan ng pandaigdigang merkadong pinansyal, at makakapinsala sa kabuhayang pandaigdig.
Sino ang may pinakamalubhang nakatagong panganib sa seguridad ng kabuhayang pandagidig? Napakalinaw ng sagot dito!
Salin: Vera
Pulido: Ramil