Kaugnay ng magkasanib na pamamatrolya ng Pilipinas at Amerika sa South China Sea (SCS), hinimok, Enero 4, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kaukulang bansa na itigil ang iresponsableng kilos, at totohanang igalang ang sigasig ng mga bansa sa rehiyon upang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Saad ni Wang, layon ng nasabing aktibidad-militar ng Pilipinas at Amerika, na ibandera ang dahas, at hindi ito makakabuti sa pagkontrol sa kalagayang pandagat at mga alitang may kinalaman sa dagat.
Patuloy at matatag na ipagtatanggol ng panig Tsino ang sariling teritoryo, soberanya, at karapata’t kapakanang pandagat, at aktibong pangangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng rehiyon, dagdag ni Wang.
Salin: Vera
Pulido: Rhio