Mamamahayag ng Türkiye, pumana sa propaganda campaign ng Amerika laban sa Tsina

2024-01-06 17:56:36  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ni Kamil Erdogdu, dating correspondent ng Anadolu News Agency ng Türkiye na nakatalaga sa Beijing, ang isang artikulo bilang pagpuna sa propaganda campaign ng Amerika laban sa Tsina.

 

Sinabi ni Erdogdu, na ayon sa pagsisiwalat ni Jan Oberg, isang iskolar mula Denmark, sa isang panukalang batas na pinagtibay ng kongreso ng Amerika noong 2021, pinondohan ng 1.5 bilyong Dolyares ang mga media at mamamahayag para gumawa ng mga negatibong ulat tungkol sa Tsina.

 

Ito aniya ay propaganda campaign ng Amerika laban sa Tsina, para imbentuhin ang di-umanong mga banta galing sa Tsina, dahil sa katotohanang hindi umiiral ang mga bantang ito.

 

Ipinalalagay ni Erdogdu na ang pinag-uugatang dahilan ng aksyong ito ng Amerika ay maling pakikitungo nito sa Tsina bilang pinakamalaking hamon sa heopulitika at pinakamalaking kompetetibong kalaban. Maliwanag aniya ang layunin ng Amerika na dungisan ang imahe ng Tsina at pigilan ang pag-unlad nito.

 

Tinukoy din ni Erdogdu na ang aksyong ito ng Amerika ay nakakapinsala sa kalayaan sa pamamahayag. At sa paghihikayat ng Amerika, ang ilang media at mamamahayag ay naging katulong nito sa paninirang-puri sa ibang bansa at panlilinlang sa mga tao ng daigdig, dagdag niya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos