Unang China-Europe freight train sa 2024, inilunsad ng Shanghai

2024-01-08 15:49:17  CMG
Share with:

Sakay ang 100 TEUs (twenty-foot equivalent units) na paninda na gaya ng air conditioner at household appliances, inilunsad ng lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina, Enero 6, 2024, ang unang China-Europe freight train sa 2024.

 

Ang nasabing kargamento ay may timbang na mahigit 1,000 tonelada at nagkakahalaga ng lampas sa 10 milyong yuan RMB (1.4 milyong dolyares).

 

Matatandaang inilunsad ng Shanghai ang una nitong China-Europe freight train noong Setyembre 2021.

 

Noong nagdaang taon, hinawakan ng Shanghai ang 100 China-Europe freight train na may dalang 10,000 TEUs na paninda.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio