Unang China-Europe freight train, inilunsad sa Langfang, lalawigang Hebei

2023-02-27 16:26:57  CMG
Share with:


Lumisan Sabado, Pebrero 25, 2023 sa panimulang istasyon sa Langfang, lalawigang Hebei ng Tsina ang unang China-Europe freight train.

 

Hila-hila ang 55 40-talampakang mga bagon, tatakbuhin ng nasabing tren ang 7,800 kilometro upang makarating sa destinasyon.

 

Lalabas ito sa bansa, sa pamamagitan ng Erenhot Port sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina, dadaan sa Monglia at darating sa destinasyon sa Moscow pagkaraan ng 17 araw.

 

Ang mga panindang ihahatid nito, na nagkakahalaga ng halos 20 milyong yuan RMB (mga US$2.88 milyon) ay mula sa mga lokal na kompanya ng Langfang, at mga kompanya ng pag-aangkat at pagluluwas sa paligid.

 

Ayon sa Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Langfang, ang nasabing freight train ay mahalaga sa pagpapasulong ng koordinadong pag-unlad ng rehiyon ng Beijing-Tianjin-Hebei, at magiging dahilan ng integrasyon ng nasabing rehiyon sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio