Byahe ng China-Europe freight trains, umabot sa 10,000 ngayong taon

2022-08-22 15:44:26  CMG
Share with:

Umabot na nitong Linggo, Agosto 21, 2022 sa 10,000 ang byahe ng China-Europe freight trains ngayong taon, at ito ay 10 araw na mas maaga kaysa noong 2021.

 

Sa taong ito, inihatid ng mga tren ang 972,000 twenty-foot equivalent units (TEUs) na paninda, at ito ay lumaki ng 5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 


Sa pamamagitan ng 82 ruta, nakararating sa 200 lunsod sa 24 na bansang Europeo ang mga China-Europe freight trains, at nilikha nito ang isang transport network sa buong Europa.

 

Mahigit 50,000 uri ng paninda sa loob ng 53 kategorya na gaya ng sasakyang de motor at mga piyesa, kasuotan at accessories, pagkaing-butil, kahoy at iba pa ang inihahatid ng naturang mga tren.

 

Buong sikap na pinataas ng Tsina ang transport capacity ng mga tren, sa pamamagitan ng mga hakbanging gaya ng pag-a-upgrade ng mga tsanel ng domestikong transportasyon, at pagkokoordina ng pagpapabuti ng imprastuktura sa mga daambakal sa ibayong dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac