161, patay sa lindol sa Hapon

2024-01-08 16:26:15  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat ng lokal na awtoridad, hanggang alas nuwebe ng umaga (9:00am), ngayong araw, Enero 8, 2024, umabot na sa 161 katao ang naitalang nasawi sa 7.6 magnitude na lindol na naganap kamakailan sa prepektura ng Ishikawa, gawing gitna ng Hapon.

 

Samantala, ini-ulat naman ng Japan Broadcasting Corporation o Nippon Hōsō Kyōkai (NHK), 103 residente ang kasalukuyan pinaghahanap, at di-kukulanging 565 ang sugatan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio