Chip industry ng Tsina, sinadyang sinisikil ng Amerika – Tsina

2024-01-09 12:15:37  CMG
Share with:

Sinabi Lunes, Enero 8, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa katuwiran ng umano’y pambansang seguridad, walang humpay na pinag-iibayo ng panig Amerikano ang restriksyon sa pagluluwas ng chip sa Tsina, at walang katuwirang sinisikil ang semiconductor industry ng Tsina.

 

Ang aksyong ito ay klasikal na economic bullying, dagdag niya.

 

Saad ni Mao, ipinapataw ng Amerika ang restriksyon sa pagluluwas ng semiconductor laban sa Tsina, at ang ganitong diskriminadong kilos ay lumalabag sa most-favored-nation principle na itinakda ng unang artikulo ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).

 

Samantala, sa katuwiran ng pagsasapanganib sa cyber security, inilakip aniya ng Amerika sa blacklist ang kaukulang kompanya ng pasilidad ng telekomunikasyon ng Tsina, at ipinagbabawal ang pagpasok ng mga pasilidad ng telekomunikasyon na yari ng Tsina sa merkadong Amerikano, bagay na salungat din sa pangkalahatang pagkakansela ng restriksyon sa bilang na itinakda ng ika-11 artikulo ng GATT.

 

Ang pag-ban ng panig Amerikano ay lumalabag din sa kaukulang alituntunin ng Technical Barriers to Trade Agreement, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil