CMG Komentaryo: hindi maaaring hadlangan ang prosesong unipikasyon ng Tsina

2024-01-09 15:52:05  CMG
Share with:

Ipinatalastas Enero 7, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina na ayon sa Anti-Foreign Sanctions Law ng Tsina, isinagawa ng Tsina ang mga sangsyon sa 5 kompanyang Amerikano na kinabibilangan ng BAE Systems Land and Armament, Alliant Techsystems Operations, AeroVironment, ViaSat at Data Link Solutions.

 


Nilalayon ng mga sangsyong ito ang pagpapalabas kamakailan ng Amerika ng bagong round ng pagbebenta ng armas sa Taiwan at paggamit nito ng iba’t ibang dahilan para parusahan ang mga kumpanyang Tsino at indibiduwal.

 

Isa itong mahigpit na babala sa ilang Amerikanong ginagamit ang isyu ng Taiwan para makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Nilalabag ng mga aksyon ng Amerika ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at lumalabag din sa nagawang pangakong pampulitika ng lider Amerikano sa pagtatagpo ng mga pangulo ng Tsina at Amerika sa San Francisco.

 

Maraming beses ng sinabi ng Tsina na ang isyu ng Taiwan ay pangunahing interes ng Tsina, ang pundasyong pampulitika ng relasyong Sino-Amerikano at isang hindi malulutas na pulang linya sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Sa pamamagitan ng listahan ng mga sangsyong ito, maliwanag na ipinakita ng Tsina ang buong tatag at determinado nitong ipagtanggol ang soberanya ng bansa at integridad ng teritoryo. Dapat aktuwal na isakatuparan ng Amerika ang pagsunod sa patakarang isang-Tsina at hindi suportahan ang “pagsasarili ng Taiwan”.

 

Pinapatunayan lamang ng mga katotohanang ito na gaano man karami ang sandata na ipagkakaloob ng Amerika sa Taiwan, hindi nito kayang pigilan ang makasaysayang proseso ng unipikasyon ng buong Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil