Ika-60 anibersaryo ng relasyong Sino-Tunisia, ipinagdiwang

2024-01-10 15:28:54  CMG
Share with:

Nagpalitan, Enero 10, 2024 ng mga mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kais Saied ng Tunisia, kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 6 na dekada, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa, partikular, noong nagdaang ilang taon, kung kalian, unti-unting tumibay ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig, at naging mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan.

 

Kasama ni Pangulong Saied, nakahanda aniya siyang gawing bagong simula ang kasalukuyang anibersaryo, upang pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.

 

Inihayag naman ni Saied na magkaibigan ang Tunisia at Tsina sa mahabang panahon, at mabunga ang kooperasyon.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang panig Tunisian na buuin ang makabagong partnership upang mapalawak ang prospek ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pataasin ang bilateral na relasyon sa mas mataas na lebel.

 

Nang araw ring iyon, nagpalitan din ng pagbati sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Ahmed Hachani ng Tunisia.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio